Thursday, January 27, 2005
Pagkababa ko ng telepono,
AKO: mother, punta lang ako kina Karen
MOTHER: (dedma lang)
AKO: alis na ko ha..
MOTHER: (dedma pa rin)
Paglabas ko, "%@^#$*!! Ang ginaw, @#$*%!!" Nakashorts pa man din ako.. gusto ko sana magpalit ng jogging pants kaya lang inatake nanaman ako ng katamaran kaya hindi na lang.. Pagdating ko sa kanila, nakiisyoso muna ako sa mga ginagawa nila.. ang isa, bising-bisi sa pakikipagchat at sa pag-aayos ng blog.. and isa naman, nag-aaral (ows?! hehe).. Maya-maya, niyaya na ako ni Karen na lumabas.. at syempre habang kami'y naglalakad, todo nanaman ang pagtsitsimisan naman.. na para bang hindi kami magkasama kahapon.. ganun talaga siguro pag pareho kayong madaldal.. di kayo nauubusan ng pagkukwentuhan.. para bang kulang na kulang ang oras pag magkasama kayo.. Nang makarating kami sa labas ng gate kung saan nandun ang pwesto ni Manang Pen.. di niya tunay na pangalan.. un lang tawag ko sa kanya.. (Pen galing sa penoy.. malamang.. hehe) Sa kasawiang palad, ubos na ang tindang penoy ni Manang Pen.. Medyo nalungkot ako kasi talagang kinakati na ung dila ko na makakain ng penoy.. Napansin siguro ni Karen kaya ayun, niyaya na lang niya akong mag-isaw (YUM! isa sa mga paborito kong pagkain!!).
Bago pa lang kami makarating kina Aling Aw, di pa rin tunay na pangalan (alam niyo nanaman siguro kung bakit un ang tawag ko sa kanya), muntik na kami habulin ng mga aso.. @#$8%!! Sobrang takot pa naman ako sa aso (nakagat na kasi ako dati sa pwet.. buti di ako ginalis.. wehehe!).. Kaya nung makita kong tinatahulan na kami at akmang susunggaban, pinangharang ko kagad si Karen.. hehehe.. ang sama ko ba? Inisip ko kasi, matatakot ung mga un sa kanya.. sino ba namang hindi?? wahaha! (peace tayo karen ha! hehe).. Buti na lang may mga mababait na mama na nagtaboy sa mga aso.. Nang marating na namin ang isawan, namili na kagad ako.. si Karen, 2 dugo.. ako, 2 isaw at isang dugo.. naiintriga kasi ako dun sa dugo.. para siyang itim na jelly na tinuhog.. kung titingnan mo, mukhang nakakadiri pero pagnakain mo na, parang wala lang.. wala naman kasi talaga siyang lasa.. Nagyaya na rin akong umuwi pagkatapos naming kumain.. Dumaan kami sa simbahan.. hindi.. hindi kami nagdasal.. talagang napadaan lang.. Nagkayayaan kami na magkwentuhan muna sa may playground.. Umupo kami pareho sa swing.. syet.. di kasya mga pwet namin.. palibhasa pambata.. plastic pa siya ha.. kaya habang nakaupo kami, tinitingnan-tingan ko ung tali.. baka kasi mapigtas..
KAREN: namimiss ko na siya.. ako pa naman pagnakakamiss, gustung-gusto kong maglambing..
AKO: *sigh* ako rin.. miss ko na rin siya.. buti nga kayo magkikita sa Sabado..
**katahimikan**
AKO: sana nandito siya.. tapos itutulak niya ako.. tapos ititilt ko ung head ko at saktong pag swing back ko, kikiss ko siya.. (tawa) blah blah blah.. blah blah blah
Napansin kong tahimik si Karen.. Tiningnan ko siya.. ang walangya.. bisi katetext.. dada ako ng dada, hindi pala nakikinig..
AKO: bruha ka.. sino ba katext mo?
KAREN: siya.. (ngiti)
AKO: kaya naman pala.. hayaan mo na kasi.. alam mo na ngang walang signanl dun, nangungulit ka pa.. I bet he's very annoyed with you already..
KAREN: ayoko na nga sa kanya..
AKO: asus! nagtamporurot pa! lika ka na nga.. hatid mo na ko sa amin
KAREN: daan muna tayo sa amin.. magbebless muna ako sa tita ko
AKO: sige, ako rin..
Pagdating namin sa kanila, nagbless na agad ako nagpaalam.. Sumama sa amin si Yanda, manghihiram daw siya ng DVDs sa isa pa naming kaibigan.. Dahil sa katamaran namin, imbes na dumaan kami sa kalsadang paikot, inakyat na lang namin ung pader para makapunta sa bahay namin.. mas okay naman at may thrill pa! At eto ang good news, pagdating sa bahay, di na ako nakakain ng dinner.. (as if namang wala akong kinain! nyahaha!) AT nakahiram sila ng Blade Trinity which means mapapanood ko na rin siya sa wakas!!! haha! oist Yanda, panoorin niyo na yan kagad ha para ako na next! ahihi! :D
Sunday, January 23, 2005
Anyway, i just decided to go to Gloria Jean's and ordered my favorite drink, white chocolate, hoping it could cheer me up a little bit. But.. things didn't turn out the way i was hoping it.. I became very dizzy.. I dunno why.. I wanted to throw up.. Thank God I didn't. It would have been my worst night ever. That's when i decided to go home.
As soon as i got to our house, i took another shower, put on my pjs and slept..
*whew* What a night.
Monday, January 17, 2005
Six people were dead, including a 10-year-old girl, and many were wounded. (for the story)
I was listless for a moment. I could not believe how such terrible thing could happen in a very religious celebration.
Yearly, this festival draws thousands of local and foreign tourists. But after this incident, many fear that it could affect the image of Aklan and the Ati-Atihan. Pero naniniwala ako na makakabangon ang Aklan.. Naniniwala ako na many would still dream of visiting it to join the feast.. and I'm one of those people.
*sigh* Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin ako sa nangyari.. Let us pray for those people who were wounded, for their fast recovery.
Sunday, January 16, 2005
I found it so especially depressing. Maybe because I wasn't expecting the movie to be anything like this based on the light-hearted beginning, despite the moody opening scene. It throws you for a total loop, which is why, I suppose, the film as a whole, packs such a powerful emotional punch. Personally, I think this is the best film of its type since "My Sassy Girl". I really enjoyed watching the film and you probably will too. :)
Did i cry? Hah. I'll never tell. :p
Thursday, January 13, 2005
Kahapon, while my sister and i were watching Queer Eye for the Straight Guy...
AKO: Kasalanan ba talaga ang maging bakla?
PEL: Sa mata ng tao, oo.
AKO: Bakit?? Nasasaktan ba sila pag bakla ka?? di naman di ba?
PEL: .. ganun talaga..
After the show, naiwan ako sa aming sala na nag-iisip. "Bakit nga ba may mga tao na itinuturing ang pagiging bakla na isang kasalanan?"
It's okay to be gay (wow rhyming!). Palagay ko, ang maituturing na kasalanan (sa mata man ng tao o ng Diyos) ay ung mga GINAGAWA ng mga bakla, hindi mismo ung pagiging bakla nila. Tulad na lamang ng mga sumusunod:
1. Ang pagsusuot ng damit ng babae
-Sapat na na bakla ka. Hindi na kailangan pang magsuot ng palda, tube tops at kung anu-ano pa. Kaya nga tinawag na Ladies' wear at girls' wear kasi para sa babae. Pwede na mang magsuot ng tshirts or polos and still be gay. At least decent di ba? Makakaiwas pa kayo sa pambabastos ng mga tao especially ng mga kalalakihan.. (o talagang gusto niyong binabastos kayo??)
2. Ang pagpapa-sex change o kahit ang pagpapalagay lang ng boobs
-Its only shows your discontentment with what God has already given you. Dapat nga magpasalamat ka pa eh at buo yang katawan mo. You should be satisfied.
3. Pakikipagrelasyon / Pagpapakasal sa kapwa lalaki
-Kelangan pa bang imemorize yan?! hay naku! Kahit kelan, hindi ito naging/magiging tama. Ginawa ng Diyos si Eba para kay Adan hindi ba??
I have nothing against gay people. Believe me, i have many gay friends. Kaya lang di ba, sana alam din natin ang mga limitasyon natin. Hindi sapat na dahilan ang "freedom of expression".. we're talking about morals here.. kaya sana, gawin natin ang naayon..
___________________________________________________________
Change topic.. hehe :) Last Sunday, i accompanied my sister in buying this slippers. She used it, i think once, and complained that it was hurting her feet. So now, she's giving it to me. I really don't mind having hand-me-down things especially if it's from my sister.. haha.. Kasi una sa lahat, i don't have spend my money at all. Second, my sister has a really good taste when it comes to fashion kaya okay na okay. And lastly, whenever she gives me something, usually, once or twice pa lang niya nagagamit so hindi pa siyang mukhang gusgusin. :D Fair enough kasi binibigay ko rin naman sa kanya ung mga blouses and shirts na minsan ko lang din naman nagamit.. minsan noong sexy pa ako.. nyahaha! Ang sarap talaga ng buhay ng may kakambal.. You get to share accessories, clothes at marami pang iba. May instant shopping buddy ka na kagad, instant karamay sa kalokohan, kasiyahan at kalungkutan. At syempre, kapag wala ka ng pera, may mauutangan ka! nyahaha! Salamat uli Pepotz! :)
Tuesday, January 11, 2005
honga pala.. kanina lang, napanood ko ung America's Next Top Model.. medyo natuwa ako kasi ung bet ko ung nanalo.. :)
so ayun.. yun lang ung kwento ko for the day.. haha..
Thursday, January 06, 2005
After 30 mins.. tadaah!
Medyo nakakapagod din pa lang maglinis ng mag-isa.. kaya naman sa kapaguran, nakatulog na rin ako.. ~_~
Wednesday, January 05, 2005
Inya: ...I betrayed you.. I helped the guerillas..
Ichiru: I know..
Inya: You knew? Why did you not stop me?
Ichiru: I dont want you to stop loving your country.
Inya: but you betrayed your country
Ichiru: ..BUT I REMAINED FAITHFUL TO MY HEART..
ang sweet noh?! nga pala.. Ichiru pala name ni Manalo dun, hindi Harakiru.. nyahaha.. sowee, tao lang.. nalitu-lito kasi ako!
crap.. i miss my college friends.. im hoping to see them this coming friday.. i hope they miss me too. *sigh*
Tuesday, January 04, 2005
2005 na.. bagong taon naman.. new year's resolutions? meron ako niyan.. syempre una na sa listahan ko is to lose weight.. tinatanong pa ba yan? eh taon-taon na lang nasa listahan ko yan.. hehe.. di ko nga lang alam kung kelan mangyayari.. hahaha.. ikalawa, hmm.. ano ba? study hard.. as in HARD.. next? to drink less.. don't get me wrong, hindi ako lasinggera.. sa katunayan, tuwing may mga okasyon lang ako umiinom.. ang problema, pag-uminom ako, minsan, di ko na nakocontrol.. un lang naman.. hahaha ;)
pero kung tutuusin, importante bang magkaroon ng resolutions? kung oo, eh bakit kelangan antayin pa natin ang new year para gawin ang mga bagay na un.. di ba? wala lang.. naisip ko lang.
anong ginawa namin nung new year's eve? malamang nagpaputok.. pero may nangyari sa kin na di ko talaga malilimutan.. habang nagpapaputok ako ng lusis (take note, lusis lang ang hawak.. hindi pa nga siya considered na paputok kasi umiilaw lang siya), nung malapit na siyang mauubos, bigla na lang siyang sumabog! sobrang shock talaga ako.. di ako nakakilos kagad. akala ko naputol na ung kamay ko.. sa awa ng Diyos hindi naman. after nung incident na un, di na ulit ako humawak ng kahit anong paputok o pailaw man lang.. takot ko na lang na maulit un.. naging dakilang potograper na lang ako.. na syempre, feel na feel ko. hehe.. :D
after naming magpaputok, napagtripan naming magpipinsan na uminom ng wine at mag videoke. at syempre, pataasan ng iskor.. at *ehem* (pakanta) akooo ang nagwagi! haha! nung medyo sumasakit na ung mga mata namin at gusto ng pumikit, natulog na rin kami.. mga ala tres na rin un ng madaling araw. ala dose na ng tanghali ng magasing kami kinabukasan.. pakiramdam ko, kulang pa nga un eh.. pero kinailangang bumangon kasi ipapasyal ko pa ung mga pinsan kong bulok sa mall.. mga taga bundok kasi.. nyahaha! jok jok jok! oo na, oo na, masama na naman ako. *sigh*
teka, nakalimutan kong ipakita ang litrato na ito.. guess who got caught wearing a red laced panty last new year's eve:
Monday, January 03, 2005
Sunday, January 02, 2005
We watched it last night.. Great film.. sobra! *hands down* Mula sa characters, wardrobe, locations.. And the story was really wonderful.. very touching.. (Aminado ako, i cried several times while watching it.) And their acting was VERY VERY good. Everyone was so into their characters. I really liked Jay Manalo's acting. He portrayed his role very well. Same with Dennis Trillo. Ang galing niya talaga! Before, I couldn't imagine him playing a gay role, but damn, he's good in it! Now I know why he won the Best Supporting Actor award.. he really deserves it. Actually, ung love story nila Inya (Trillo) at Harakiru (Manalo) ung favorite ko dun! hahaha! :D Magaling din si Angelu De Leon, in fairness.. talagang nakakainis siya dun.. haha!
Panoorin niyo tong movie na to.. sulit pera niyo! pramis! ^_^
Saturday, January 01, 2005
ciao! happy new year to all! ^______^
Metal-Mouth Pinay
19 20 yrs old.
balahura.
matakaw.
maingay.
magulo.
makulit.
mareklamo. (sabi ng kapatid ko)
kupal. (sabi ni rico)
tamad. (sabi ng nanay ko)
tanggera. (sabi ng stats)
maokray. (sabi ni madet)
madaldal. (sabi ng mga elementary teachers ko)
mahadera. (sabi ni allan)
sadista. (sabi ni domi)
antukin. (sabi ni arcie)
hyperactive. (sabi ni ninang anny)
~loves~
japanese foods.
pizza.
rootbeer float.
C2, One.
pink, violet, blue, white.
CHAD MICHAEL MURRAY.
one tree hill, america's next top model, project runaway, grey's anatomy, scrubs, house, csi.
dancing.
~hates~
waiting.
backstabbers.
bossy people.
pretentious people.
monggo.
when people point their finger in my face.
magbanlaw ng damit.
high heels.
Make some sense
Archive
September 2004~connection~
pel. pepay. kreg. han. hayhay. rulz. jai. nya. jenn. blogtimizer.
Credits
Designer