Thursday, January 27, 2005


blog
Kanina eh kumain ako ng balut.. pasulubong kasi sa akin ni pepel.. kaya kahit di ako kumakain nun, kinain ko na lang.. nakakahiya naman di ba? biruin mo, naalala pa niya ako.. kaya sige, higop dito, kagat sa itlog, lunok ng sisiw (yak!).. at di pa ako nakontento dun.. tinawagan ko si karen, isa sa mga pinakamatatalik kong kaibigan..
AKO: hoi karen, may ginagawa ka ba?
KAREN: bakit?
AKO: basta.. meron nga?
KAREN: umm.. gagawa ako ng lesson plan.. bakit nga??
AKO: yayain sana kita bumili ng penoy
KAREN: wala akong pera eh
AKO: tara na! libre kita! dali!
KAREN: ililibre mo ako? o sige tara! (tawa sabay sigaw sa mga kasama niya sa bahay, "hoi! ililibre ako ni macel!" sabay tawa ulit)

Pagkababa ko ng telepono,
AKO: mother, punta lang ako kina Karen
MOTHER: (dedma lang)
AKO: alis na ko ha..
MOTHER: (dedma pa rin)

Paglabas ko, "%@^#$*!! Ang ginaw, @#$*%!!" Nakashorts pa man din ako.. gusto ko sana magpalit ng jogging pants kaya lang inatake nanaman ako ng katamaran kaya hindi na lang.. Pagdating ko sa kanila, nakiisyoso muna ako sa mga ginagawa nila.. ang isa, bising-bisi sa pakikipagchat at sa pag-aayos ng blog.. and isa naman, nag-aaral (ows?! hehe).. Maya-maya, niyaya na ako ni Karen na lumabas.. at syempre habang kami'y naglalakad, todo nanaman ang pagtsitsimisan naman.. na para bang hindi kami magkasama kahapon.. ganun talaga siguro pag pareho kayong madaldal.. di kayo nauubusan ng pagkukwentuhan.. para bang kulang na kulang ang oras pag magkasama kayo.. Nang makarating kami sa labas ng gate kung saan nandun ang pwesto ni Manang Pen.. di niya tunay na pangalan.. un lang tawag ko sa kanya.. (Pen galing sa penoy.. malamang.. hehe) Sa kasawiang palad, ubos na ang tindang penoy ni Manang Pen.. Medyo nalungkot ako kasi talagang kinakati na ung dila ko na makakain ng penoy.. Napansin siguro ni Karen kaya ayun, niyaya na lang niya akong mag-isaw (YUM! isa sa mga paborito kong pagkain!!).

Bago pa lang kami makarating kina Aling Aw, di pa rin tunay na pangalan (alam niyo nanaman siguro kung bakit un ang tawag ko sa kanya), muntik na kami habulin ng mga aso.. @#$8%!! Sobrang takot pa naman ako sa aso (nakagat na kasi ako dati sa pwet.. buti di ako ginalis.. wehehe!).. Kaya nung makita kong tinatahulan na kami at akmang susunggaban, pinangharang ko kagad si Karen.. hehehe.. ang sama ko ba? Inisip ko kasi, matatakot ung mga un sa kanya.. sino ba namang hindi?? wahaha! (peace tayo karen ha! hehe).. Buti na lang may mga mababait na mama na nagtaboy sa mga aso.. Nang marating na namin ang isawan, namili na kagad ako.. si Karen, 2 dugo.. ako, 2 isaw at isang dugo.. naiintriga kasi ako dun sa dugo.. para siyang itim na jelly na tinuhog.. kung titingnan mo, mukhang nakakadiri pero pagnakain mo na, parang wala lang.. wala naman kasi talaga siyang lasa.. Nagyaya na rin akong umuwi pagkatapos naming kumain.. Dumaan kami sa simbahan.. hindi.. hindi kami nagdasal.. talagang napadaan lang.. Nagkayayaan kami na magkwentuhan muna sa may playground.. Umupo kami pareho sa swing.. syet.. di kasya mga pwet namin.. palibhasa pambata.. plastic pa siya ha.. kaya habang nakaupo kami, tinitingnan-tingan ko ung tali.. baka kasi mapigtas..
KAREN: namimiss ko na siya.. ako pa naman pagnakakamiss, gustung-gusto kong maglambing..
AKO: *sigh* ako rin.. miss ko na rin siya.. buti nga kayo magkikita sa Sabado..
**katahimikan**
AKO: sana nandito siya.. tapos itutulak niya ako.. tapos ititilt ko ung head ko at saktong pag swing back ko, kikiss ko siya.. (tawa) blah blah blah.. blah blah blah
Napansin kong tahimik si Karen.. Tiningnan ko siya.. ang walangya.. bisi katetext.. dada ako ng dada, hindi pala nakikinig..
AKO: bruha ka.. sino ba katext mo?
KAREN: siya.. (ngiti)
AKO: kaya naman pala.. hayaan mo na kasi.. alam mo na ngang walang signanl dun, nangungulit ka pa.. I bet he's very annoyed with you already..
KAREN: ayoko na nga sa kanya..
AKO: asus! nagtamporurot pa! lika ka na nga.. hatid mo na ko sa amin
KAREN: daan muna tayo sa amin.. magbebless muna ako sa tita ko
AKO: sige, ako rin..

Pagdating namin sa kanila, nagbless na agad ako nagpaalam.. Sumama sa amin si Yanda, manghihiram daw siya ng DVDs sa isa pa naming kaibigan.. Dahil sa katamaran namin, imbes na dumaan kami sa kalsadang paikot, inakyat na lang namin ung pader para makapunta sa bahay namin.. mas okay naman at may thrill pa! At eto ang good news, pagdating sa bahay, di na ako nakakain ng dinner.. (as if namang wala akong kinain! nyahaha!) AT nakahiram sila ng Blade Trinity which means mapapanood ko na rin siya sa wakas!!! haha! oist Yanda, panoorin niyo na yan kagad ha para ako na next! ahihi! :D



KisH TickleS
8:57 PM



|







September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird