Tuesday, January 04, 2005


newyear

2005 na.. bagong taon naman.. new year's resolutions? meron ako niyan.. syempre una na sa listahan ko is to lose weight.. tinatanong pa ba yan? eh taon-taon na lang nasa listahan ko yan.. hehe.. di ko nga lang alam kung kelan mangyayari.. hahaha.. ikalawa, hmm.. ano ba? study hard.. as in HARD.. next? to drink less.. don't get me wrong, hindi ako lasinggera.. sa katunayan, tuwing may mga okasyon lang ako umiinom.. ang problema, pag-uminom ako, minsan, di ko na nakocontrol.. un lang naman.. hahaha ;)

pero kung tutuusin, importante bang magkaroon ng resolutions? kung oo, eh bakit kelangan antayin pa natin ang new year para gawin ang mga bagay na un.. di ba? wala lang.. naisip ko lang.

anong ginawa namin nung new year's eve? malamang nagpaputok.. pero may nangyari sa kin na di ko talaga malilimutan.. habang nagpapaputok ako ng lusis (take note, lusis lang ang hawak.. hindi pa nga siya considered na paputok kasi umiilaw lang siya), nung malapit na siyang mauubos, bigla na lang siyang sumabog! sobrang shock talaga ako.. di ako nakakilos kagad. akala ko naputol na ung kamay ko.. sa awa ng Diyos hindi naman. after nung incident na un, di na ulit ako humawak ng kahit anong paputok o pailaw man lang.. takot ko na lang na maulit un.. naging dakilang potograper na lang ako.. na syempre, feel na feel ko. hehe.. :D

dollyafter naming magpaputok, napagtripan naming magpipinsan na uminom ng wine at mag videoke. at syempre, pataasan ng iskor.. at *ehem* (pakanta) akooo ang nagwagi! haha! nung medyo sumasakit na ung mga mata namin at gusto ng pumikit, natulog na rin kami.. mga ala tres na rin un ng madaling araw. ala dose na ng tanghali ng magasing kami kinabukasan.. pakiramdam ko, kulang pa nga un eh.. pero kinailangang bumangon kasi ipapasyal ko pa ung mga pinsan kong bulok sa mall.. mga taga bundok kasi.. nyahaha! jok jok jok! oo na, oo na, masama na naman ako. *sigh*

teka, nakalimutan kong ipakita ang litrato na ito.. guess who got caught wearing a red laced panty last new year's eve:



KisH TickleS
2:11 PM



|







September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird