Friday, April 15, 2005


1st week
A Week To Remember

Bakit? Kasi eto ung first week ko sa Fatima.. Matapos ang nakakapagod na paghahanap ng rooms ko at nakakalokang pilahan sa bangko para lang magbayad ng manuals.. Himalang nakasurvive pa ako..

Lunes:
>Hindi ko akalaing required pala magpasa ng index card (na naglalaman ng iyong name, course, subject, section, address at contact number) tuwing first day ng klase.. buti na lang at ung katabi ko may extra na dala.. Ayus. Cool ulit ako.
>Malungkot kasi wala ako kasabay maglunch.. Ung katabi ko kasi, doon kumakain sa dorm nila.. Punta ako 7-eleven.. Dami tao.. Nagdalawang isip ako kung kakain pa ako.. Kaya lang kumakalam na sikmura ko at 2 oras pa aantayin ko para sa susunod kong klase.. Bumili ako donut at slurpee.. Oo, un lang.. Ang pinaka ayoko kasi eh ung kakain mag-isa kaya onti lang binili ko para tapos kagad.
>Akala ko malas na ako dahil kahit isa sa mga klase ko, wala man lang cute o gwapo.. walang inspirasyon para pumasok.. Pero hindi ako binigo ni kupido.. Nakita ko rin siya sa wakas.. Dito ko lang pala siya matatagpuan sa huli kong klase.. Swerte ko nga naman at seatmate pa kami.. salamat kupido.. bait mo talaga! Pero syempre, hindi kami nabigyan ng pagkakataong magkakilala dahil maaga rin kaming pinauwi.

Martes:
>Eto actually ang pinaka-highlight ng entry ko.. hehehe.. Ito kasi ung araw na nagkakilala kami.. ~_^ Late siya dumating.. Iba na inupuan ko kasi may mga balahurang umagaw ng silya ko.. Anyway.. Napatingin ako sa kanya.. Akala ko nanaginip lang ako nung nilapitan niya ako at tanunging "Ui, bakit ka lumipat?" Syempre shock ang lola mo. Hindi kailan man sumagi isip ko na kakausapin niya ako. "Kasi may umupo na dun sa inupuan ko kahapon", sabi ko. May katabi na kasi ako noon. Ang bago kong friend, si Dorothy. Syempre hindi na ako nangarap pa na tatabi siya ulit sa akin. Maya-maya, kinalabit niya ako.
SIYA: May nakaupo ba sa tabi niya? (referring to Dorothy) Mashado kasi akong masaya dito.
AKO: Wala.
Pagkaupo niya..
SIYA: Eto o (sabay turo sa akin), hindi man lang ako kinausap kahapon.. Ni hindi nga namansin.
AKO: (kilig naman ang loka) Mukha ka kasing masungit at hindi approachable..
SIYA: Hindi kaya.. (silencio) Ano nga pala name mo?
AKO: Maricel pero Macel na lang.
SIYA: Macel? Di ba pwdeng Mari?
AKO: Un kasi tawag sa akin ng mga kaibigan ko.. pero sige, bahala ka kung ano gusto mo.
Hindi ko pa naitatanong pangalan niya nung dumating ung prof namin. Malas.
Nung uwuian na..
SIYA: San nga pala kayo umuwi?
DOROTHY: Sa Jose Abad.
AKO: Sa Makati.
SIYA: Ano sinasakyan mo?
AKO: Bus muna tapos MRT.
SIYA: Sabay na tayo. Un din naman daan ko.
AKO: OMG!! O sige.. Teka.. Ano nga pala name mo?
SIYA: Ivan

Miyerkules, Huwebes at Biyernes:
>Puros exams at quizzes.. Buti na lang at kerebels ko.. hehe.. shisiw! Nyahaha!

OO nga pala, simula noong Martes, sabay na kami parati umuwi. Hindi ko akalain na ganun pala siya kakulit at kadaldal. Medyo touchy feely din siya. Feeling close ba? Nyahaha.. At binago nga pala ng prof namin ung seating arrangement namin and luckily, TABI ULIT KAMI!! Wapak! Ayus! Solb na solb ang loka! HAHAHA! O sya, sya.. Tama na muna to at magpapahinga na ako.. Medyo sumasakit na ulo ko.. Sa susunod na linggo uli! ^_^



KisH TickleS
8:33 PM



|







September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird