Sunday, April 10, 2005


uh-oh
Oh no.. Tomorrow's my first day in school.. my new school. And I still don't have any idea where my rooms are.. I tried asking a student about it last Friday.. but I didn't quite get her directions.. Good luck na lang talaga sa akin.

----------------------------

Just got home from Greenhills.. The last time I went there was.. I think.. 4-5 years ago.. Pagpasok ko pa lang.. napa-WoW na talaga ako.. ang dami na! Ako naman sobrang excited mag-ikot. Pinlano ko talagang maigi kung san ako magsisimula.. And I made sure na madadaanan ko talaga lahat. Kahit madaming tao, wa-ko-care.. Nakipagsiksikan talaga ako.. At sa aking pakikipagsiksikan, a lady's voice caught my attention.. "I want the white one!" Napalingon ako.. at alam niyo ba kung sino ang nakita ko? Si Doris Bigornia (I'm not sure if her last name is spelled that way).. Oo.. Siya nga.. Nakikipagsiksikan dun at nakikipag-agawan din.. Nyahaha.. Medyo nagtagal pa ako doon sa kinatatayuan ko.. Nakakatawa kasi siyang panoorin.. Parang hindi siya ung nakikita ko sa tv..

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.. At sa wakas, may nagustuhan na ako.. A very cute blue shirt that has a print on it that says "PROM QUEEN".. o di ba? Ang lakas ko mag-ilusyon?? Nyahaha.. Pero wa-pa-rin-ko-care.. Edi tanong naman ako dun sa aleng nagbebenta..
AKO: Miss, magkano to?
ALE: 250
AKO: wala na bang tawad yan? baka pwedeng 150 na lang? (haha.. OA ba? pero dapat ganun talaga pag tumatawad ka..)
ALE: Un na po last price namin eh.. 280 po siya dati
AKO: o sige, 180 na lang..
ALE: hindi talaga pwede
AKO: dali na miss.. sige, 200 na lang. (sabay ngiti.. hehe)
ALE: hindi talaga pwede
AKO: (medyo nahihilo na at gusto ng umuwi) Sige na nga.. May sizes ba kayo nito? Ung medium nga.
ALE: wala ng medium sa blue eh.. Pink at white meron.
AKO: (gusto ng umiyak) sigurado kayo?
At habang pinipilit ko pa ung ale na maghanap ng medium na blue, bigla ba namang may lumapit sa akin na magsyoting at nagtanong, "Miss, how much?" Wapak! Ano daw?! Ganun na ba itsura ko?? Mukha ba talaga akong nagtitinda sa tyangge?? "Sorry, I don't work here", sabi ko sa kanila. Kitang-kita ko ang pagkashock nila.. Nagtago pa nga ung lalake sa balikat nung girlfriend niya. Binitawan ko kagad ung t-shirt na hawak ko.. Baka kasi may dumaan pa ulit at mapagkamalan nanaman ako.. Haay.. hindi ko sila masisisi.. Sa dami nga naman ng tao dun, hindi ko na rin madistinguish ko sino ang nagbebenta at sino ang namimili.. Sa bagay kasi, wala man lang akong dalang bag nun.. Sarili ko lang.. Kaya kung tumayo man ako sa tabi nung mga damit na un, malamang marami ding mag-aakala.. Haay.. Another funny experience.. Another lesson learned.. Sa susunod talaga, pag magmamall ako, magbibitbit na ako ng bag.. para magmukha naman akong customer.. Kahit papano.. hehehe..



KisH TickleS
4:06 PM



|







September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird