Thursday, June 30, 2005
Sunday, June 19, 2005
Friday, June 17, 2005
Top photo: my good friend, Ate jheng.. at syempre si Kitchie nasa baba? kamukha sila ano?? para nga silang kambal eh.. hehe.. ;)
Wednesday, June 15, 2005
Have you had classmates before who were "user-friendly"?? Well.. I haven't.. till now. While we were doing some seatwork in Chemistry, this classmate of mine told me, "Ilabas mo na ung calculator mo dali!" Then when I needed to use it already, she just told me "Andali lang, di mo ba nakikita, ginagamit ko pa?" I was in total shock. But I just said "Ah okay sige, pero pwede bilisan kasi 5 minutes na lang daw sabi ni sir." Maya-maya, she returned my calculator.. and pulled my paper! Langya.. pangalawa na to ha.. So I grabbed my paper from her and said "teka lang ha, tapusin ko muna.." As soon as I wrote my final answers, she took my paper again! Haay grabe sobrang garapal talaga! Pero hinayaan ko na lang besides I was done with it anyway.. Maya-maya, I noticed our instructor coming towards our table so I told her, "ui andyan na si Sir, akin na papel ko." And she just said, "teka lang di pa ako tapos" and hid my paper underneath hers! Ampotah! Nag-panic talaga ako! What if our instructor asked for my paper edi lagot na kasi wala ako maipakita?! Buti na lang at di niya napansin so pagtalikod niya, hinablot ko na kagad ung paper ko, sabi ko na lang "iche-check ko ulit, baka kasi mali.." Sumimangot ang bruha.. Siya pa may ganang mainis ngayon ha. Hmp! Buraot talaga!
Naglilihi ako. Ewan ko ba ha pero I'm craving for a Yellow Cab pizza for two days now.. Tapos kanina, ang daming temptations.. Una, when I was in Monumento, nakita ko, open na ung Yellow Cab dun.. when I got to Ayala, I surprisingly met two of my former classmates in MSHS, Jojo and Marco.. They both invited me to eat with them at Yellow Cab. Sakto naman at kabibili ko lang nun ng Jamaican Patties so wala na akong enough money to eat there.. *sigh* bad trip.. Tapos pag-uwi ko, ung favorite patty flavor ko, kinainan ng nanay ko! Talaga namang kamalasan to!
Katangahan. Pababa na ako sa Ayala station para sumakay ng jeep pauwi sa amin ng kapain ko ang bag ko at wala pala akong dalang payong. So akyat uli ako at nagtext sa nanay ko para magpasundo. Maya-maya, may kumalabit sa akin, kaklase nung high school.
SIYA: oi, san ka pupunta?
AKO: pauwi na sana.. kaya lang naiwanan ko pala ung payong ko kaya papasundo na lang ako.
SIYA: wala kang payong? eh ano yan? (sabay turo sa kamay ko)
Syempre napatingin ako.. at alam niyo ba kung ano ung natagpuan ko? Ung payong ko, nakasabit!
AKO: Ay tanga! Oo nga noh! (tawa ng malakas) Ang tanga ko! (tawa ulit ng malakas this time sinabayan niya na ako.. naawa siguro sa kin dahil lalo akong nagmumukhang tanga.. hahaha)
Nung nasa mrt pala ako, buendia station, nilabas ko na ung payong ko kasi napansin kong malakas nga ung ulan.. tsk tsk tsk.. ang tanda ko na pala.. sobrang malilimutin na ako!
Friday, June 03, 2005
Babala: Usapang boobies eto.. kung nalalaswaan kayo sa mga ganun eh wag niyo na tong basahin.. Actually, wala naman talagang bastos sa mga sasabihin ko.. para sa akin ha.. hihihi.. Baka kasi sisihin niyo ako at sabihin niyo pang bastusing bata ako.. basta hindi ako nagkulang ng paalala.
Nung grade 6 kami, naiingit ako sa kapatid ko kasi nakakapag-baby bra na siya. Samantalang ako, sando lang. Inis na inis ako tuwing bibilhan siya ng bagong baby bra. Gabi-gabi kong pinagdadasal noon na sana magka-boobs na ako para magka-baby bra na rin ako. At ayun na nga, 3rd year high school ako noong magkaroon ako ng "future".. kaya lang nasobrahan ata ung dasal ko.
Mula noon, naging sentro ako ng tuksuhan.. Andyan na ung pagbibigay sa akin ng kung anu-anong nicknames.. Bago lang ung pelikula ni Ruffa Mae Quinto noon kaya nabinyagan kagad ako ng "Booba".. Ewan ko ha pero marami rin namang mas malalaki ang hinaharap kesa sa akin.. kaya lang, according to my friends, obvious daw sa akin kasi malaki ung pwet ko.. At dahil din dun, tinagurian din akong "Ms. S".. dahil ung katawan ko daw, pag nakaside view ako, korteng S daw.. syet, ganda.
Noong una, nasasakyan ko pa ung mga biro nila. Pero dumating din ung time na napuno na ako. Para kasing wala nang silbi ang pagkatao ko.. Tipong, "Uy kilala mo ba si Macel?" "Ah ung malaki ung boobs?".. taena talaga.. pwede namang sabihin, "ah ung may kakambal?" o "ung mabait, friendly, at magaling sumayaw sa III-Lavoisier?", di ba?? Parang wala na silang makita sa akin kundi ung boobs ko.. walang utak, walang talent, kahit ano wala.
Sumagi din sa isip ko ang breast reduction. Oo, kahit 14 lang ako noon, gusto ko ng magpabawas. Ni minsan hindi ko naisip na asset ang bumpers ko. *sigh*
Kolehiyo. Nakilala ko si MAL. Malaki din ang "future" niya. Pareho kami ng naging sitwasyon noon. Ang pinagkaiba lang namin eh proud sya dun sa "twins" niya. Eventually, naging close kami at iminulat niya ako sa hubad na katotohanan. Na dapat isipin ko na lang kung gaano karami ang naiinggit sa akin at gustong magkaroon ng ganito.. and that I should be proud of it.. umm.. them? wehehe..
Kaya ngayon, komportable na ako sa aking "twins" at hindi na rin ako nahihiyang bumili ng bra at sabihing, "Miss, 34B nga." ~_^
Thursday, June 02, 2005
with my aunt, Duday
mga sirena? muwahaha!
At Ruperto's Resort with Duds and my mom
my sister Pepel & Duds
Pang FHM daw o.. Muwahahaha!
Metal-Mouth Pinay
19 20 yrs old.
balahura.
matakaw.
maingay.
magulo.
makulit.
mareklamo. (sabi ng kapatid ko)
kupal. (sabi ni rico)
tamad. (sabi ng nanay ko)
tanggera. (sabi ng stats)
maokray. (sabi ni madet)
madaldal. (sabi ng mga elementary teachers ko)
mahadera. (sabi ni allan)
sadista. (sabi ni domi)
antukin. (sabi ni arcie)
hyperactive. (sabi ni ninang anny)
~loves~
japanese foods.
pizza.
rootbeer float.
C2, One.
pink, violet, blue, white.
CHAD MICHAEL MURRAY.
one tree hill, america's next top model, project runaway, grey's anatomy, scrubs, house, csi.
dancing.
~hates~
waiting.
backstabbers.
bossy people.
pretentious people.
monggo.
when people point their finger in my face.
magbanlaw ng damit.
high heels.
Make some sense
Archive
September 2004~connection~
pel. pepay. kreg. han. hayhay. rulz. jai. nya. jenn. blogtimizer.
Credits
Designer