Friday, June 03, 2005


boobies
Image hosted by Photobucket.com

Babala: Usapang boobies eto.. kung nalalaswaan kayo sa mga ganun eh wag niyo na tong basahin.. Actually, wala naman talagang bastos sa mga sasabihin ko.. para sa akin ha.. hihihi.. Baka kasi sisihin niyo ako at sabihin niyo pang bastusing bata ako.. basta hindi ako nagkulang ng paalala.

*bow*

Nung grade 6 kami, naiingit ako sa kapatid ko kasi nakakapag-baby bra na siya. Samantalang ako, sando lang. Inis na inis ako tuwing bibilhan siya ng bagong baby bra. Gabi-gabi kong pinagdadasal noon na sana magka-boobs na ako para magka-baby bra na rin ako. At ayun na nga, 3rd year high school ako noong magkaroon ako ng "future".. kaya lang nasobrahan ata ung dasal ko.

Mula noon, naging sentro ako ng tuksuhan.. Andyan na ung pagbibigay sa akin ng kung anu-anong nicknames.. Bago lang ung pelikula ni Ruffa Mae Quinto noon kaya nabinyagan kagad ako ng "Booba".. Ewan ko ha pero marami rin namang mas malalaki ang hinaharap kesa sa akin.. kaya lang, according to my friends, obvious daw sa akin kasi malaki ung pwet ko.. At dahil din dun, tinagurian din akong "Ms. S".. dahil ung katawan ko daw, pag nakaside view ako, korteng S daw.. syet, ganda.

Noong una, nasasakyan ko pa ung mga biro nila. Pero dumating din ung time na napuno na ako. Para kasing wala nang silbi ang pagkatao ko.. Tipong, "Uy kilala mo ba si Macel?" "Ah ung malaki ung boobs?".. taena talaga.. pwede namang sabihin, "ah ung may kakambal?" o "ung mabait, friendly, at magaling sumayaw sa III-Lavoisier?", di ba?? Parang wala na silang makita sa akin kundi ung boobs ko.. walang utak, walang talent, kahit ano wala.

Sumagi din sa isip ko ang breast reduction. Oo, kahit 14 lang ako noon, gusto ko ng magpabawas. Ni minsan hindi ko naisip na asset ang bumpers ko. *sigh*

Kolehiyo. Nakilala ko si MAL. Malaki din ang "future" niya. Pareho kami ng naging sitwasyon noon. Ang pinagkaiba lang namin eh proud sya dun sa "twins" niya. Eventually, naging close kami at iminulat niya ako sa hubad na katotohanan. Na dapat isipin ko na lang kung gaano karami ang naiinggit sa akin at gustong magkaroon ng ganito.. and that I should be proud of it.. umm.. them? wehehe..

Kaya ngayon, komportable na ako sa aking "twins" at hindi na rin ako nahihiyang bumili ng bra at sabihing, "Miss, 34B nga." ~_^



KisH TickleS
6:32 PM



|







September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird