Thursday, July 20, 2006



My Mentos Moment

Papunta ako kanina sa apartment ng friend ko nang bigla akong matisod. Akala ko may nasipa akong plastic or something kaya dedma lang ako at tuloy sa pagrampa. Maya-maya, natisod uli ako. This time, parang may naapakan naman ako. Akala ko may dumikit sa sapatos ko. Ti-nry ko ikiskis sa simento pero parang ang hirap maalis. Nung tiningnan ko sya, di kaagad nag-sink in sa akin na swelas pala ung sapatos ko ung tinatanggal ko! Natanggal na pala sya sa pagkakadikit at ung sa bandang sole na lang ung nakakabit pa. Langya, sa loob-loob ko, sobrang dyaheng-dyahe ako. Puros lalaki pa naman ung mga naglalakad sa likod ko. Nakakawa poise! Pero syempre di nagpahalata ang lola mo. Kunwari wa efek lang sakin ung nangyari. Hinila ko na lang ung buong swelas mula sa rubber shoes ko, lagay sa paper bag at tuloy lang sa pagrampa na parang walang nangyari.(^^,)

Sleeping Beauty..

Ang sarap-sarap matulog this past few days.. tamad na tamad akong pumasok. Gusto ko lang humilata at matulog sa malamig kong kama.. o kaya sa kama ni Ate Amie.. hehe.. I want to thank nga pala Ate Amie and Alvin for letting me stay in their apartment during my vacant period.. Kapal na nga ng mukha ko.. halos araw-araw na ako andun. Kulang na lang talaga eh hakutin ko na lahat ng gamit ko dun at makiupa na rin.. Wahahaha!

Sembreak na..

..agad? hahaha! Di pa kami nag-pe-prelims eh bakasyon na kagad pinaplano namin. Badminton sa Thursday.. Tagaytay at Enchanted Kingdom sa sembreak.. haay.. sana lang matuloy un.. triple birthday celebration pa naman un ng mga dyosa sa barkada namin.. ehem.. (^^,) wehehe!



KisH TickleS
6:54 PM



|







September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird